[Blog] [MP3 Musica] [MP3 Audiobook] [Letture Creative] [Musica Creativa]
[English] [Francais] [Deutsch] [Espanol] [Portugues] [Danish] [Esperanto] [Norwegian]
[Tagalog] [Bulgarian] [Swedish]
[Punch] [Appunti di informatica libera]
Project Gutenberg's Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo, by G.D. Roke This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net Title: Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo Author: G.D. Roke Release Date: March 20, 2005 [EBook #15418] Language: Tagalog Character set encoding: ISO-8859-1 *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JULIETA AT ROMEO *** Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. Mistakes in the original published work has been retained in this edition.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga pagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]

| Dinala[1]n~g palad na di cayat
asam sa natitiualag na Bayanbayanan, dacong Habagatan n~g Sangcapuluan, at sa di calipi[2]punong pamumuhay, Ito'y natatayo sa paa n~g bundoc, capoua tatlong panig sa taric ay cubcob at ang sa harapan caragata't tunog n~g laguing daluyong pag-uauari'y handog. Masigla cong isip na casalucuyang nagcusang cumilos sa cau uculan lungcot at iba pa hindi gunam-gunam sa dahilang nasa na maguing panglibang. Ang anyong mapanglao iiral pag-guiit n~g oras na dapat ipantuyong pauis at n~gayong padilim ang gabi'y caparis, ang lupang libin~gang hangahan n~g isip. Lansaguin ang gayong magmoog ang agap sa tauong maualay ¡n~g panaho'y atas! sa capilas puso't bun~gang m~ga lunas n~g ibang pagluha ¡ito ang mabigat! Ang pagayong panglao catan cayang pait sa pusong uari rin n~g asauang ibig, at n~g m~ga dugong mahal ang umaquit na aco'y mag-alio tumula n~g auit. Sa cutad na isip ito'y cunang latag sa mata n~g ibig magdamot lumasap, di sariling catha't may quinunang ugat, linangcapang acma at cayang saguisag. Tapat ang luhog cong tangapin at handog sa iniyo, ang aba't malumbay na pagod, m~ga dalaga't bagong tauong sipot sa mahal cong Bayan[3]may puring umirog, Aqui't hindi iniyo dusta't capintasan[4] na ucol iputong sa gaya cong mang-mang, gayon ma'y ibayo maguing paquinabang cung iniyong liliman naguing 'Bun~gang Panglao.' Ang tumula. |
| Nang panahong lacad
sa isang daigdig, dulo ng patalim ang hantun~gang galit, ina-aring ley at tanging matuid ang gumauad hatol sa tauong may isip. Tila baga'y Dios, na lubhang daquilá hindi,i inangcap sa mahal na lic-ha, ang dapat maghusay may balac na dila sa nan~gadidimlan sa hibo n~g lupa. Taga pamahala sa titic na utos sa sala n~g tauo't ibang sauing quilos. caya mamalayan sa sacop sigalot cung naibun~ga na'y caquilaquilabot. Ang madlang inin~gat tan~gang cailan~gan n~g Capangyarihan ualang caya't culang, nabibirong lahat n~g dapat gumalang hindi man~gadala cahit marapatan. N~g tauo ay gauang liban~gan ang quintab n~g cani caniyang patalim na sacbat, pamuting malupit sa alin mang lacad, sa tuluga'y bantay at tangulang hagap. Tila di gunitang natalong patalim casing isang lupit pilit cadamay rin, harap n~g lingatong cung sa labas galing n~g bayan n~gang cani-canila'y may supling. Ang lacas n~g camay ang tangîng pan~gahas sa puso ay api ang carapat-dapat, catouirang tungcol at síya rin ang agap camuc-ha'y calizin mabantog may linsad. Ang pagayong asal hapung pag-iisip nin~gas sa silacbo'y lalo pang malabis, sa isang lupaing binucalang batis n~g abáng sintahang dahil niyaring auit. Ito ang Veronang[5] masanghayang ciudad na sa paniuala sa panahong tahac, Bartolome della Seala ang bansag, Principeng may puri sa tungcol malin~gap. May dalauang tiyang hindi magcahinlog, ang pag-iibigan malinao na lugod, doo'y nagsitubó sa yaman ay tampoc, sa dugong mataas n~g calac hay sipot. Bunieng Capuleto, na ugaling tauag sa uua at tiyang aquing pinahayag, at cay Montesco, bigay namang bansag sa isa at capoua capuriha'y ganap. N~gunit n~g dumating pagcat caraniuan tamis uma-asim n~g pag iibigan, sa dahilang ito cacamunting bagay sama-an n~g loob ang pilit umiiral At palibhasa n~ga sa balat n~g mundo, matouain di ilan sa gauang mangbuyo. caya di napaui't bagcus sumilacbo init n~g alita'y naguing pita'y sicdo. N~g nagtatanimang loob di naglining sa canila'y sulsol na apoy n~g tabil, n~g dilang matamis ó magagauiin sa pag mamapuri't alinsunod han~gin. Di rin pinag-uari cung ang gayo'y buhat sa sundot n~g inguit sa pusong may in~gat, upang nito'y gauin iculim-lim sicat n~g balang sa caniya'y lumampas liuanag. Gayon din hindi na tinunghan sa isip cung laman n~g udioc ay higanting galit, n~g pusong sa gayo'y lubháng mapagtipid sari saring licô panghalay nagamit. N~g nagsipag-udioc n~g linsil na han~gad sa boong pagnam-nam dito na naganap, di maca-iilang Verona'y nagdanac sa dugo n~g cabig dalauang nang-yacag. Tahanang nag-inam sa pagcacalapit dalauang pamuno n~g pagcaca-alit, sa laqui at dalas niyaong pagcacaliz siyang naguing sanhi at nag-bigay pait. Cung masauatá man sa sandaling oras n~g Principe Scala tuing man~gag lamas, yao'y para lamang han~ging pampanin~gas cung baga sa basang cahoy na nasalao. Pagayon ang lacad m~ga cabagayan, na tigmac n~g dugo sa capanahunang tumahac ang punong sa luha rin laan niyaring aauiting tula namay panglao. Sa umagang sicat n~g arao culimlim n~g muc-hang may lumbay anyo'y tiquis man din. humarap sa bago na acmang hilahil sa Veronang tila hinirang n~ga laguim. Ang capalalu-an na pacaing saclap at paramit pula sa caniya'i may in~gat, ang tan~ging may sala at pilit yumacag sa pinagbuhatan n~g gayong bagabag; Ito'y m~ga capoua utusan sa bahay bunying capuleto't Montescong maran~gal, na nan~gagcatagpuô sa abot n~g tanao sa canicanilang Guinoong tahanan. Ang utusang bahay tuinay nagmamasid sa pan~ginoon nilang lihim na nag alit, n~gunit uala namang casabihang titic na di nababali cahit ganong higpit. At may tauo n~ganing matapat na loob pan~ginoon sa galit nan~ga-quiqui-ayos, cung ito'y bigcasan n~g dusta't pag-ayop pagtatangol parang sariling sigalot. Ang cani-caniyang guinoo'y sa tapang calac-ha't iba pa sabi cung lampasan, mata'y mangdi-dilat parang dinadarang saca itututol uicang paimbabao. Ang gayong taltalan na maling inisip sa lupa'y suboc nang binubun~ga'y galit, sa capoua utusang bahay ang umaquit: hanapin ang hatol sa dulo n~g caliz; Dapouat n~g acma nang magsucatang sacbat isang bagong taong mabunyi ang ticas, cátaong lumapit at ang unang bigcas ¡"itiguel na anya, panganyayang han~gad"! Ito'y si Benboliong quilalang pan~galan, at pamangqiung buo Montescong maran~gal, taong matahimic at sa pusong mahal pag-api sa capoua capan~gita't suclam. N~gunit pagcaquita ni Montescong cabig, bagcos naululan ang palalong isip, pagcat inasanang tulong na malabis, caya hinandulong ang catalong caliz. Cahit si Benvolio, ay culang namaos di rin alintana ang magandang himoc, dan~gan caniyang sacbat sa galit binunot casaha'y ang bala, di sana nasunod. Calacarang masid sa lupang ibabao, busal n~g taltalan ó caya ba-bagan, ang palalo't duag tapang binabagay timbang n~g pag-auat n~g nama-maguitan; Pag-auat cung baga tunay at mahigpit sa duag ay lalong paquita'y balasic; dapouat cung acalang himba-bao di pilit marahil urun~gan n~g sariling aquit. N~gunit may palalo duag caraniuan, sa sulsol n~g bulag ay nagagayanan, bagcus pa cung madlá ang nagsi-sitanghal, malapit sa hucay n~g capahamacan. Ano't palibhasa ang tacbo n~g nin~gas niyaong cagalitan ucol sa pagcalat, caya ¡ó sacuna! ang isang pan~gahas na-abot-abutan ang tiguilan sacbat; Ito may binata't sa calac-ha'y supling; n~gunit cagaui-ang liban~gang hilahil, ualang ibang bati't bunot ang patalim cay Benvolio, cun di ang ganitong turing: Aniya, n~gayo'y batid ang mahal mong canan cumaliz sa duc-ha'y nau-ucol lamang, pagcat casing uri mayroon pa naman sucat macalapat at icadadan~gal. Libo mang tagumpay igauad n~g palad ¿anong mapa-pala,t calaban mo'y hamac? ¿anong cabantugang tamuhi't matan yag? sa lupa'y cung hindi ang pula at libac? ¡Maguing sumpa naua matingcalang lan~git sa casing-gaya mong matouaing cumaliz, sa hindi capantay an~gat na idatig at ina-acalang madaling malupig. Caya ang dugo mo n~g hindi masayang at huag capitang pan~git na palayao, humanda't magbunot at quitang maglaban púla n~g sa ati'y lumampas na tunay. Sa gayong narin~gig Benvolio'y sumagot anyo'y pacumbaba't ang bigcas malambot, aniya, "o Tibaldo"[6] ang pagcabugasóc caraniua'y sising mapait ang handog. Ang sapantaha mo cung hindi nalihis carampatang lahat ang bun~ga mong galit; n~gunit aco'y hindi ni o may cacaliz at sa gayo'y agap babág itahimic. "Aco'y nagtataca tugon n~g causap sa canan mo'y bunot patalim na in~gat, ito'y di ga-gauin cung ualà sa han~gad tun~go n~g bintang cong unang pinahayag." Benvolio'y pumac-ling, "caliz cayà bunót sa pagcat may taong api ang pagluhog; n~guni't pag sa bagsic agad na hinuhod sa mabuti't hindi nasang ilamurot. N~g sapantaha mo ito ang dahilan cayà ang patalim iuli sa calaban, at aco'y tulun~gan payapa'i ibigay sa nan~gadidimlan sa udioc n~g auay." Tibaldo'y tunay man ang gayong narin~gig sa caniya ay pulos laro-larong litis. ugali sa pagcat magli-lilong isip dam-dam casingtago ang lahat na dibdib. Cung pano ang tin~gin niong casamaan sa balang calic-hang acala'y ca-asal, Tibaldo'y gayon di't bagcus napootan sa pagcat aniya sa turing hinan~gal. "Cayong tanang lahi, at saca sinunod, n~g m~ga Montesco ualang gauing quilos, cun di ang sa uicang may daya't maayos maghusay n~g isip n~g capoua ibalot. Cung pano ang tamis paquingan sa bibig; salitang mairog siya naman ang pait, n~g hantun~gan tun~go maninilong isip causap n~g upang malinlang sa nais; N~guni't caming dating dala sa pahamac n~g m~ga pa ayang may pamuc-hang sarap, m~ga tain~ga'y bin~gi't calooba'y gayac pagcat gayo'y siyang sacbating marapat. At n~g upang huag lumago't umiral ang sin~gao na damong panalot sa buhay, niong mahalagat asam na halaman agaring lipuling ualang pacundan~gan." At saca inulos na di na binalat ang ualang munti mang gayac na causap, dan~gan n~ga ang tunog pagcabatay sacbat buhay sanay lagot sa acalang sucab. Sa galit inusig n~g hindi sayaran tagang sunod-sunod, n~guni at nasayang, pagcat si Benvolio ang mata't saclao ualang bigong agap pag-iuas na bagay. At n~g mauala na sa dugo ang lamig ni Benvolio't siyang naghari ang init, ang panagang sacbat ipinamilantic daglus ang canilang cabig nagsidatig. Naguing cay Benvolio, ang m~ga utusang bahay n~g amaing Montescong maran~gal, saca cay Tibaldo, naqui ayon naman ang cay Capuletong sacop na cadamay. Sa munting linaon nacapanguilalas paglaqui't pagla-lâ niyaong paglalamas, pagcat di pa bilang ibang nan~ga-ganyac guinoo at duc hang nan~gacatalastas; N~gunit ualang uasto sa linusob-lusob marami sa ibang huling nagsilahoc, sa dalauang pangcat ualang naca-ayos pinagmulang babag cun di ang ma-abot. Gayari ang hia-uang pinagsagutanan; ¡mauala-mauala paghilahil bayan! ¡itabi ang aua't pagpa pacundan~gan! ¡ang sama'y di dapat mag-ugat lumabay! ¡Salot cay Montesco't Capuleto't ihampas! ¡Cagalitang labis dugo rin itigmac! ¡huag pamarisan sa gauang pahamac! ¡sila'y pagsulun~gan sa bayan n~g nin~gas! Ito't ibang sigao hindi magcamayao sa busal n~g gula't sa tein~gay nag sumpal, calangsing n~g caliz huad sa pingquian calantog ay basag n~g bambong umpugan. Naquiquitono rin ang cahapis-hapis daing na may láit nagsisucong saquit, at gayon din naman lagapac casanib n~g nan~gabu-bual na di na matindig; Bagcus nacadagdag sa gulo't sigauan alin~gao n~gao siyang nagharing lansan~gan ang nagsisitanao nagsilabas naman Capuleto't saca Montescong casubiag. Baquit nagbigcasan n~g uicang paglait magsucatan uban sa anyo'y mapilit, ito'y naguing han~gin sa nin~gas n~g galit n~g cani caniyang nang-lalabang cabig; Ang pamamayani sa matang may lin~gap n~g cani-caniyang pan~gulong mataas, sa caual pansulong n~g tapang at sipag at ang pagdidiuang dito nagbubuhat. Púla't alipusta cung nalalapatan caualang bahala pan~gulong labanan; n~guni't cung alalay mata't caisipan cadalasang ani ang ligaya't dan~gal. Ano't n~g ang tulin boo't ualang pucnat n~g alab sa tacbo niyaong paglalamas, ang baya'y anaqui tung-tung na sa oras sa madlang cabilang ang icaagnas. Ang mata'y saan man sa liguid ilin~gos ualang ipanglaong sa puso'i nagtaos, dito ay padag-li ang ibig lumahoc, ibang napipilay han~gos na pasabog. Nagcalat ang ibang sari-saring gulang pan~gamba'y nalinibag sa muc ha't quilusan, ualang mapalagay sa bahay't lansan~gan, pumanhic manaog may lahi sa laban. Ang lúha sa matang sacál na umagos, cumatay sa muchá n~g paghihimutoc at sa ibang daco camay nan~gagdaop dalan~gin tunghayan n~g lin~gap n~g Dios. Doon mamamasdan ang aniong mapipil anaqui larauan n~g pan~gamba't laguim, lalo na cung gayo'y gunita't di pansing ang púlang cacapit di magtamang gauin. Nang nacasusupil naman ang halac-hac casalio n~g saya cung basahin balac, n~g toua n~g saquim ay ualang itamad han~ga't natiticman ang bun~ga n~g han~gad. Ang babaying hindi mauacsi't magculang sa madla at lubhâng mala-laquing bagay, doon naguing papel ang pamamaguitan na humihicayat manghinayang buhay. Dadala-dalaua sa gayo'y may aquit dili iba't cun di n~g asauang ibig n~g Pan~gulong capoua niyaong nagca-caliz na nagpa-patibay sa loob n~g cabig. Saca ang la-laquing caraniuang yucod, cahit mabigat man, sa asauang himoc, dóo'y nan~gagtayo ang noo at un~gos ang boong lagab-lab n~g palalong poot. Hindi masasaclao ang naguing hangahan niyaong pagla-labang ualang pacundan~gan, doon ang pagdaló cun di naagapan n~g Principeng Punong cataastaasan. Gayon man at cahit halos nagdidilim caacbay na caual di agad tiniguil yaong pagla-lamas cun di pinagturing lapat na parusa sa paua n~gang suail. Pasigao at boo voces sa patiayag pataas ang camay't liig nauunat, ang mata'y sa galit nan~gagsipandilat, niong pagsansalá sa gulo n~g ciudad. Nang mabatid nan~ga ang mulang lingatong tinun~gó ang ulo't labanay pinutol, noon ang Principe saca idinugtong ang uicang: "patalin sa lupa itapon". Saca ¡"tumahimic!, canilang sinunod lumamig ang init sa puso himutoc, upang sa payapa ang baga'y manulos sa caligaligan iniyo nang binusog: At n~gayo'y na naman ay pinag isahan n~g maling pacaná mahal niniyong uban Guinong Capuleto't Montesco'y sa asal cun di man~gagba~go sa si-si hahangan. Ang alita'y bagcus sa puso'y alaga, nadidim-lang isip pampatabang cusa, caculan~gang tipid han~ging panlathala masangsang na amoy tauag sa panagá. Pati matahimic na nan~gama-mayan loob n~g Verona nan~gapi-pilitan, ilipat sa caliz ang cani canilang gauang pamu-muhay mahalagang bagay. Ang nasa caluban dapat nang inamag nabunot n~g sumpang dugo ay magcalat n~guni't siya niniyong camaliang han~gad sa camuc-hang lahi n~g canan isalag. Di man~garimarim sa di carampatan ibubo't iohó dugong caculan~gan sa dun~gis liping sa puso'y panghimay sa may sintang tapat lupang tinubuan. Tipirin ang tapang at lubos igugol sa aping catuirang tungcol ipagtangol, huag babasaguin sa dustang paglipol n~g boong magamit sa panahong ucol." Sa gayong panudlang sa puso'y naglagos lahat linamlaman sa nin~gas n~g poot, marami ang ibang patagong sinuot caliz sa calubang tiquis ipansalot. At may ilan pa ring lihim na umigtad dahilan sa hiyang maquitamang suliap sa buniyng Principe't abay na alagad, pagcat gayong bagay lahucan di sucat. Naguing dulo'y tan~gang binagayan lupit Principe'y sa hanay talumpating galit, pagcat ininis na sa hula ang bait n~g han~gad na lico sa inulit-ulit. Mula n~gayo'y aniya, ibsan n~g sigalot ang bayang Verona n~g payapang ayos, lipulin sa puso ang punla n~g poot caugat-ugata'i ibaon sa limot. Huag caligtaa't sa noo ilimbag ang panatang tintang hindi macacat-cat sa caliz n~g galit, n~g di mailapat camatayang dusta at casindac sindac. N~gayo'y magsihimpil n~g lubhang tahimic iniyo't iniyong bahay sa tacot humilig sa acmang parusa n~g catouirang titic at man~gagcaisa n~g laman at isip." Sa marin~gig ito sabay nagsisabog cabig na dumalo't iba pang lumahoc, ang m~ga utusan? nagpunong sigalot, Benvolio't Tibaldo saca nagsisunod; N~gunit si Montesco't Capuletong ugat na nagpa-pasulong buhay n~g bagabag, dala n~g principe upang sa banayad mapuring pan~garal ay maipatalastas, Ucol n~g lisanin ito at catangcay bacas n~g hilahil ang litao na lamang saca ang ugaling maraming matapang capag natapos na alin mang labanan. N~g madla'y alam na alin~gao-ngao duag litis ualang dugong muc-ha ang sa agap, cung amba n~g yong oras n~g maglamas at paghimpil naman caran~galang palac. N~gayo'y siya namang tunghayan n~g tin~gin buhay ni Romeong búcong a-auitin, n~g m~ga Montesco pan~galauang supling punua't sa pagcat ang tungcol dumating. Ang masidhing lumbay laon nang namugad puso ni Romeong binatang maticas, payuco't nag-isip maupó't lumacad, tan~ga't ualang uili maquilahoc usap. Ito'y halata man n~g sintang magulang dapua't di mataroc lihim na dahilan, pagcat ualang ibang hinin~gahang simpan cun di si Benvoliong catoto at pinsan. Catu-turan nito sanhi n~g pag-ibig sa cay Rosalinang bulac-lac n~g diquit, cabin~gihang bayad cay Romeong hibic ang nagpa-pamangha sa balisang isip. Cailan ma't idaing dalita't himutoc n~g pusong may tiis n~g sa sintang tunod, Rosalina'y ualang ibang sinasagot cun di catimpian at mahapding quilos. Pagcat cung ang sinta'y sa buhay pan~gitil n~g nino man caniya'y lubhang masunurin, ay nagui-guing dagoc naman at pang-haling sa isip n~g culang palad na mag-anquin. Palibhasa'y lahat cay Benvoliong batid at sa pinsang mahal hinayang malabis, caya sa touina'i apuhap sa isip bagay na panlibang sa siphayong sáquit. Nagcataon n~gani sa arao n~g antac sugat ni Romeo sa sintang matalas, sa cay Capuletong palacio'y may gayac piguing na ugaling culang sa magdamag. Bucal n~ga sa puso ang handa't catouaan lalo pang dinalas at pinag-iinam, muláng ang Principe sila hinatulang pagcaliz limutin n~g laong ca-auay. Sayauang malaqui ang puyatang tatag at may balatcayong sari-saring bicas, ang nan~gag si lahoc ang muchay may latag maitim na cayo't cung sino'y di tatap. At n~g upang n~ganing mailibang sáquit Benvolio'y ang pinsang na pinaca-iibig, aniya, "o Romeo pinsan cong matamis cata'y maquibilang sa sayauang batid." Romeo'y n~gumiting binahirang poot sa pinsang may ya-ya casunod ang sagot: "Capuletong bahay sa sarili'y masoc at sa panaohin aco'y maqui-umpoc?" Benvolio'y, pumac-ling, "hindi sucat tac-han ya-ya co'y cahima't may acalang hadlang, pagcat hindi lin~gid: ang totong cailan~gan ay ualang talagang ley ó catouiran." Cay Romeong tugon, "sa camay n~g isip ang "uicang cailan~gan" sa boo mong sulit, hindi maapuhap, caya sa iyo'y nais n~gayo'y liuanagan n~g upang mabatid." Si Benvolio'y, aniya, "cung hindi maturan, sa tin~gin n~g uari sa puso mo'y tunghan, sa busal ay titic sa diquit n~g lumbay sanhi n~g ya-ya cong lubháng cailan~gan." Sa gayo'y Romeo'y sa muc-ha'y sumilip toua n~g ninintang siphayo sa hibic, "cung gayon, aniya, ang tucoy mong sulit ualang iba cun di Rosalinang ibig." Sagot ni Benvolio, "ualang ibang langcap sa mapiping daing cung di ang calatas, saca napagtanto sa balitang tapat sa anya-ya'y ualang salang di ga-ganap." Sa marin~gig ito Romeo'y nagtipid n~g sinagot-sagot yumuco't nag-isip, saca tumin~gala't marahang nagsulit parang ang sarili sa anyo'y caniig. Aniya ¡"cung mangyaring mabilang sa piguing maquita man lamang sa dusa ang dahil, maguing pampaui ring sandaling lasapin sumintang gaya cong sa taghoy ay tacuil!" Cahimat sa gayo-y di anyong causap Benvolio'y naguica sa pinsan niang uagas, aniya, ¿"baquit caya cung gayo,y sa han~gad ayao pahinuhod sa aquing hicayat? "¿Di baga, sinunod, ang sucat malirip tauo'y capag hirap ang nasang magahis, sa balang toui na apuhap sa isip ang acmang paraang sucat ipagcamit?" Si Romeo'y aniya, "tunay, n~gunit pagcat ca-auay tang lahi, sa piguing may tatag, n~g budhi di toua, di hintay lumangcap linam-nam n~g saya magbi-bigay sac-lap." Benvolio'y pumacling, "nataon pa naman n~gayo'y sa payapa magcatalong angcan, ¿baquit sa-sayan~gin at di pag pilitang nam-namin ang handog n~g capanahunan?" Pagcat si Romeo ay hindi tumugon at nagnilay-nilay n~g lubháng hinahon, Benvolio ang uicang, dag-ling idinugtong: Romeo itacuil ang inurong-sulong. Ang maquila-la ca sa iyo'y cung pan~ganib may tatag na sayao, ipinahiuatig, m~ga balatcayo'y man~gacaga-gamit sino mang la-lahoc at sa gayo'y ibig. Cung ito'y susundin sinong macamalay sa pangmu-muc-ha mo't quilos n~g catauan. n~guni at ang pusong "buminit n~g subiang n~g pusong inabot maca-capanáyam." Sa gayong narin~gig Romeo'y ang tugon hindi na pagtutol cun di ang pag-ayon, saca nagcaisa na hangang panahon hanapin ang ibang catoto't calayon. Samantalang ito'y usapan sinunod paa n~g isip ta, nagca-isang ayos, Palacio n~g inam Capuletong bantog casan~ga n~g auit doo'y n~g masayod: Sa boong mag-hapon n~g pangabing piguing ang nan~gag-aayos nagca isang tin~gin, sa gayac na pilit pamuting nagning-ning at sa mahalaga n~g daming pagcain Cung isa ang timbang nan~ga-unang tatag sa gugol at siglang sa tin~gi'i pangalác, ang sa n~gayo'y banguit tiquis pinag apat, palibhasa'y tungcol sa sampagang in~gat. Bumabasang ibig, dapat mong matalos guinoong Capuleto may anac na irog, Julieta ang n~galan casinglinao bubog labing apat lamang dalang taong bilog. Ito'y bugtong lamang caya ang paglin~gap masintang magulang ualang munting cupas, di pa bumahagui tanang dagling lipas piguing na alin ma't sa tahimic lágac; N~gunit sa piguing n~g gabing tadhana panaho'y ucol nang lumahoc na cusa, sa ugaling umpoc carampata't biayaya n~g balat n~g lupa't sa tauo'y adhica; Baquit ang isa pa, ito ang mabigat, sa mahal na camay may isang may han~gad, sa bunyeng Principe guilio cong camaganac sa hinhi't carictan ang puso'y nabihag. Dacong umaga pa niyaong ca-arauan n~g pangabing piguing ito'y nagtuluyan sa cay Capuleto't tapat na sinacdal ang hilig n~g pusong hindi maiuasan. Aniya'i "ang iisang mahal ninyong supling sa aba'i nagbigay n~g dusang masaquim, pusong nagtitiis mapilit na daing Mahalagang camay sa inyo'y hilin~gin. Tugon n~g causap "boong camuraan n~galang mag-asaua di dapat sumun~gao, talastas n~g lahat mabigat na pasan di cayang isapit sa hustong hangahan. Uicang mag-asauang matamis sabihin sa pagcat ligaya asam na pitasin; n~gunit boong tungcol cung tapat isipin pag-ganap ay ualang hindi ha-hapuin. Ang pagsu-sunuran busal n~g pag-ibig bun~ga cung matuyú caraniua'y pait, ang gayo'y lalo pa sa maicling isip capos sa magbata't di cayang magtiis." Ayos aco't bata, tugon n~g causap, n~gunit di pabilang casin taong lacad, candong na ang toua pagca inang tapat. caya't alam bathin ang tungcol na dapat. Catalasang isip catu-tubong sipot sa gulang n~g tauo'y hindi alinsunod, di gaya n~g ibang bagay-bagay suboc sa pinagdaana't casanaya'y hugot." Capuleto'y, aniya, "tunay, n~gunit sinsay mag-asauang mura ang cadalagahan, tulad sa bulaclac pinuting di arao madaling malanta'y sa samio ay culang. Patauad, at aco di bucong itulot ang aniong pagcupas n~g anac na irog, na toua't ligaya sa bahay co'y tampoc; tan~ging tutungculan sa puri co't impoc; Sa n~gayo'y hatol co sa magandang han~gad sa pusong may dagoc dapat ipabat-yag, pagcat ito'y unang sucat macatatap samantalang oo sa iyo'y di gauad. Tan~go o pagtangui ay paca-asahan, sa boo niyang sagot aquing iba-bagay, cung matamisin ca batang calooban acong ama'y hindi dapat na humad-lang." Caharap ang sagot, aniya'y ualang sucat sa cutad na isip uicang maapuhap, itugon sa iniyong magandang pahayag liban na sa pusong sa utang may lin~gap. Ang mapuring hatol caya di masunod cun di macaharap sa puso'y may dagoc, cung sa gauang aba, n~g sa cania'y tiboc maguing dusa't toua pan~garap masayod." Ani Capuleto "sa gabi ring harap bucsan, cung acala, ang tabing n~g hirap. sa pusong may bigay pagcat piguing tatag sa bahay co'y tulot, sa iyo'y ang paglangcap; N~guni at n~g upang huag mayucayoc batang pag-iisip n~g cabutong irog, bago tumalima sa mapuring unos sa ipa-uunaua, tan~gu mo'i isagot. Ang sa cay Julieta taong tinatahac cahustuhan lamang sa sampuo at apat hangang labing anim, cung cayo'i singpalad, pitasin ang bun~gang tica n~g pagliyag." Binata umayos saca nag-paalam, pagcat sa sarili ibig maisanay paglibang matuid n~g pagsinta'y bucal bago maquiharap sa nagbigay subiang. At n~gayo'y bago ca isapit sa uacas n~g pangabing piguing, bumabasang liyag, pacaquilan-lan mo n~galan pagcat dapat bunying Capuleto ang naguing causap. Ito't dili iba't ang Conde de Paris, Principe Scala capinsang malapit, sa ibang talata aquin nang binanguit at hangang sa huli sundan mo n~g isip. Ang lahat na ito cung iyo nang talastas at di naligtaan Palaciong inaquiat, tin~gin iyang isip iupó at ilatag n~g upang matanto cabagayang sucat. Masdan ta sa guitna ilang nan~gag-ning-ning na nacasisilao ang capal sa tin~gin sa ugaling oras minulan ang dating nanya-ya't hindi sa pangabing piguing. Capuleto't saca ang asauang ibig ganap ang pagtangap sa nagsisipanhic cung na sa bahay na paglin~gap malabis pagbi-bigay puri ualang casin tamis. Sa may balatcayong sari saring inam binatang Romeo'y sa dami cabilang, Benvolio'y gayon di't ibang caibigan sa unahang daco calaguip n~g say-say; N~gunit cay Romeo'y pagsad-ya ang dahil hindi ibang touá na biaya n~g piguing cun di ang caricta't maramot na tin~gin sintang Rosalina't sa titig lasapin. Ya-yamang sa caniya hanay n~g pagliyag capacanan pacla't sa uala ang sadlác, ang mata man lamang dili-diling bihag ang numam-nam alio ligaya na't galác. Caya halos lamang siya'y napa-pasoc Palacio n~g sayá sa samio'y bumucod, han~gal ang catulad sa linibotlibot paghanap sa sinta tan~ging na sa imbot. At n~g matagpuan nag-ulol ang sáquit sa ibang binata mut-ya'y naliliguid, n~g man~ga usapan sa puso niya'y tinic ¡ó pani-nibughong! di iba't pag-ibig; Dapuat si Romeo'y sa gayo-y lumahoc hindi minarapat n~g matimping loob at ang minagaling sumandal sa suloc na naca-catapat Rosalinang irog. Mulá doo'y caniyang linalasap isip catamisang handog sa isang ni-nibig n~g larauang sinta habang na sa titig dinadaloc uari bagcus nasa-sabic. Ang mahin-hing n~giti't quilos na ma-ayos harap n~g may dusa, n~g pusong may dagoc, nagui-guing ligayang caagao himutoc lalo cung ang sinta sa habag maramot. ¡O ba-baying dahil dusang pag-iisip n~g nagsi-siluhod sa altar mong dib-dib! sa boong quinapal cun di ca calaquip paos ang ligaya't calooba'y quimis. Icao mang yumurac sa boong ligaya di dapat matapos n~g amang nauna, icao rin ang hanap quinaba-balisa minimithing lunas n~g guinauang sala. Ang naca cahambing n~g sangsinucuban sa la-laquing licha cun di ca cabilang, parang na malapad tanim cabatuhan, simoy pa n~g han~gin pansaua sa buhay. Sa la-laqui naman ang naca-catulad tumutubong cahoy, cun di ca calangcap, at nagsa-sarili sa buhan~gin lauac, ualang dahon't bun~ga't culay lumbay cupas; N~gunit cung laquip ca't sa la-laquing piling, ang paliguid tila cagalaca't ning-ning, ang lahat sa dam-dam cabusuga't lambing, pang-alio sa buhay cupcop n~g hilahil. Cung sa macatouid la-laqui sa dusa at sintahin naman lasap ang ligaya, icao ang pantamis sa lasahing pac-la at angel cang buting may in~gat sa caniya. Na sa iyo'i hinahon sucat cung loobin, puri n~g la-laquing palad mong capiling, sa gayo'y icao ring alalay na han~gin pantabuy sa balang tataquip na dilim Pangsulung ca't tulong n~g tungcol niang han~gad, maguing sa caliz man ò iba pang sucat, na ipaguing dapa't n~g sa lupang liyag sa mata n~g tauong litao't iaanac. Guilio cung matouain bumabasan ibig, uica mo'y marahil saan ca sinapit cayá sa ba-baying larauan nabanguit dahil cay Romeong haling sa pag-isip. At n~gayo'y bago ca itunghay sa dugton~g n~g dulong iniuan niyaring tulang sunong, ni Romeo'y bicas at ugaling candong munting panulat sandaling isilong. Romeo ay isang bagong tauong basal mataas ang tindig sa cataua'y timbang balicat mababa't ulo't liig bagay maayos lumacad ualang cagaslauan; Mahauas ang muc-ha malambot, malinis puti ay malinao ang balat maquinis, pilicmata'y sin-sin mahaba't malantic, sa matang maitim umaambag diquit; Ang quilay malagó't balantoc ang hubog itim na malabis ay calugod-lugod, ilong cayas bubó ugali ang tan~gos, ang buca n~g bibig cainama't ayos. Cung pano ang tayong nagcabagay-bagay at guinanda gandang tila man din pinsán, ugali gayong di't asal na maran~gal sa mapuring puso bucál at di hiram. Ano pa't ang gandang nagcalangcap-lancap n~g bunying Romeo sa loob at labas, gandang tumatagos sa puso'i ang limbag sa gayong carictan baba'i ay un~gas. Cung baga'y ha-hanap labis pang carictan sa la-laquing muc-ha para n~g hinin~gan alindog ang sihin at bucang liuay-uay n~g tanang bulac-lac Mayo nating buan. Binatang Romeo'y caya n~g alisin, sa iba'y gumaya ang taquip na itim sa muc-ha't pagsicab ang lahat na tin~gin, nagsipanguilalas sa dalauang dahil: Ang una'y sa ganda na calugod-lugod macamasid bangcay cung hindi iirog at ang icalaua pagcat capamooc ni Montescong ama sa piguing may handog. Marami man cahit, n~g sinta'y tinablan, sa himoc n~g tin~gin, n~gunit daplis lamang, at n~g sa matinding dagoc ang hinirang puso ni Julietang camura-muraan. Ito iuan muna bumabasang liyag itulot sandaling ibaling ang suliap sa dacong unahan upang matalastas ang ibang nangyaring lisan di dapat. Camunting oras pang bago n~ga minuláan sa piguing nagsad-ya ang pagda datin~gan at n~g si Julieta'y bihis nang mainam tinauag n~g ina't ganito ang say-say: Aniya, "ó Julietang cabuuó cong irog, ¿di pa caya sun~gao sa búco mong loob ang pagaasauang hindi nali-limot sa lupang iba-bao n~g puso'y lamuyot"? Julieta'y ang tugon—"inang matangquilic bagay na tinuran di pa sumaisip, yaring batang puso ualang sintang ligpit, liban sa magulang at Dios na ni-nibig." "Gulang mo'y arao na, ang sa inang sagot, na icao'y pitasin n~g dapat magsinop, dito'y di iilang m~ga iua't bubót lalo pa sa iyo't sa yaman din sipot. Saca idinugtong aco'y sa iyong edad linalasap co na tamis n~g may anac; n~gunit icao'y hanga n~gayo'y iniin~gat sa pagcadalagang dupoc ang calasag." Ang pacli n~g anac, "ina, sa iyong camay gaya n~g bulac-lac sa tancay halaman, mahalagang samio tiniquis hinirang sa magandang palad ay inacay-acay. Ang tugon n~g ina, sa iyo may gayon din hindi maua-ualan na pusong da-daing, can~gina pa lamang ang camay mong anquin n~g Conde de Paris sa iyong ama'i hiling, Ito ay binatang maganda ang ticas sa yaman lumaqui't dugo ring mataas," "hindi pa quila-la," ang pac-li n~g anac; "sa piguing ta taon," sagot n~g causap. Julieta'y tumanong, "Conde cung dumating, ?anong itu-tugon cung aco'y causapin? ' ina'y napan~giti't hinagcang madiin ang anac na guilio sa mus-mus na turing. Aniya, "ang ba bayi sa pagayong bagay sa isinusulit puso ang may bucál, labi binibigcas hindi matu-tuhan natin cung alin n~ga to*d na umacay." Julieta yumucó,t sandaling nagbalac bago itinanong gayaring pahayág, aniya-"ó ina, co ¿anong gauing sucat sacaling ang Conde sa mata co'y dapat?" Ang sa inang tugon, "ó cabutong irog sa aquin di ucol tanong mo y sumagot, nito'y ualang ibang labis magpatalos cundi puso mo rin sa sinta'y pagtiboc." Sa mauica ito Julieta'y linisan, pagcat sinalubong ang nan~gagdatin~gan, m~ga iba't iba na caguinoohan, sa pangabing piguing na~gag-bigay dan~gal. Ang sa inang say say cay Julietang isip n~g mapag-isa na balisa'y cumapit, sa gayo-y pag-uari n~g hindi mapacnit salas n~g umpucan nasoc naquipanig. Arao man din siyang sa dilim sumicat ang tanang inabot nalihi n~g dilag, sa m~ga lalaqui umiral ang galac, n~gunit sa babayi pan~gimbulong palad. Ang naca-cahambing n~g tipong carictan maligayang ilao n~g bucang liuay uay at ang casiglinis ang hamog sa busal n~g bucong sampagang caban~gu ban~guhan. Julieta n~ga'i isang mariquit na perlas sa sariling consang buhay nala-lagac, siya'y mahalagang bato at sa quislap corona ang culang, caya di matanyag; Ito n~ga ang mundong simpanang umibig sa balang mamasdang himala n~g diquit, Julieta'y sa pagcat binubugang batis sa tuctoc n~g bundoc at sa tauo'y lin~gid." Sa pisn~ging mapula noo'y calinisan at nag-alon along buhoc na macapal, na uari ay ulang guinto cung nag-lugay bangcay na malamig n~g sinta di tablan; Sa hati n~g, ba-ba at guilit n~g liig tayong ayos-ayos bayauang ay pitis, lugmoc man sa tin~gin sa sabug n~g saquit aano't luluhog sa ligayang labis; Sa tin~gin n~g mata at n~giting mahin-hin yu-yuco,t sasabog ang pagpitang linsil, at pilit na hali ang mapuring daing n~g pusong titiboc sa sintang masaquim. Anopat ang taglay n~g halagang dilag, dilag sa calo-louang boong nan~gu-n~gusap, salamin din namang malinao at tapat n~g mahal na dib-dib sa ugaling in~gat. Baquit ang isa pa'y sa ganda casanib yaman at calac-bang mamanahin pilit, sa caniang magulang, ito'y ang matamis cabugtun~gan anac bun~gang ini-ibig; Palibhasa'y bata at di pa datihan sa paqui-quilahoc alin mang umpucan, calooban duag, isip napuputlan, ang ibig ibigcas hindi mauastuan; Dang~an n~g sa inang sa culang maagap n~g mahal na supling at icapipintas, loob na nalucop di sanay umunlac tinuluyan sana n~g hiya'i hinamac; At n~g magtibay na caloobang tucop tin~gin ilinatag sa binilog-bilog, aniya sa sarili "¿alin sa caumpoc sa mura cong camay—sinabing may imbot?" Nagcataon n~ganing ang tin~gin nabungo. para n~g patalim sa balauing anio, sa na sa isang suloc binatang patayo, na ma ayos tindig at may balatcayo "¡Cung ito n~ga sana...!" sa sariling tanong n~gunit di tinuloy ang dapat na dugtong, pagcat capoua mata nila'y nagsalubong Julieta'y nan~ginig sa pagsintang ucol. Ang uicang pagsintang catamisan supling. n~g pusong babayi, sa calolooa'y himbing, ni Julieta'y, n~gunit, sa gayo'y naguising at sa big-lang pucao ay sumuling-suling; Ito n~ga ang unang sinta cung cumapit sa puso n~g tauo'y matibay mahigpit, at ito ang sintang pang-han~gal sa isip lalo cung ang dugo,y cabataang labis, Ito ang pagsintang cung baga itulad sa culay ay siyang tunay na busilac cung sa cabanala'y taimtim at uagas at cung sa matamis pan~guna sa lasap. Binata gayon din cung nabighaniyan sa ligayang tipon n~g toua't carictan, n~g bunying Julieta't sa puso'y naquintal ang uicang: Maglingcod, na di mapiguilan. Romeo't di iba binatang binanguit iniuan tang Letra bumabasang ibig, sa suloc n~g salas n~g doo'y sa titig lasapin ang sa cay Rosalinan~g diquit; N~gunit mulang caniyang napalad namasdan ganda ni Julietang mahin-hi't timuman, ang ninanais niyang Rosalinang camay na bayad siphayó, nanaog sa gunam Pagcat ang siphayo sa pusong ni-nirog ualang bigay cun di masin-sing himutoc at ang gayo'y siyang tagapagbulusoc n~g sinta sa hucay n~g saua ó limot. Uala nang naghari sa alala't isip cun di si Julietang ligaya n~g diquit. Julieta'y gayong din sa puso ay tipid sinta cay Romeong ayao nang mapacnit. Marami man cahit ibang nan~gaghandog maban~gong bulac-lac n~g pusong may tiboc cay Julieta'y pauang masaclap na yamot si Romeo lamang sa tamis nabúcod. Cay Romeo namang pagsayao madlang sa ibang dalaga't sa uica ay culang pagca't si Julieta ang laman na lamang n~g hucay n~g pusong sa pagsinta'y hibang. N~g anyong ang gabi tungtong nasa lalim minulan ang "danzang estrella" ang turing, niyaong dacong una ugali sa piguing pagcatapos baga'y, oras nang humimpil. Sa hinaba-haba litis na palitan n~g cani-caniyang caparis sa sayao, Julieta't Romeo nagcataon naman sa "page-estrella" ay nagcapilin~gan, Naramdaman n~gani Julieta'y ang init n~g sa cay Romeong camay ay malabis, n~gunit ang sa isang binata'y malamig sa cabilang siping, tinac-han cung baquit. Yaring acmang sulit sa tag-lay na edad sa bunying Romeo'y malambot binigcas, aniya, ó guinoo'y, mapalad ang oras pagcalapit nati't camay nagcahauac. Romeo'y namanghang di hulo n~g isip din~gig cung totoo cayá panaguinip. cay Julieta'y tanong ¡"ó tála n~g diquit! sadiang minarapat sa iyo'y malapit. Sagot ni Julieta, "oo at sa pagcat camay cong caliua sa sandaling oras papag-iinitin n~g iyong paghauac sa busal n~g gabing lamig cumacalat." Tugon ni Romeo "yaring catauhan sa laot n~g touá baquit mo linutang¿ camay mo n~g aquin pina-iniit man sa mata mo baga aco'y nada-darang." Sa gayong aglahi n~g pusong may tiboc Julietang butihin banayad sumagot, sang n~giting matimpi pagcat sumaloob ang sa capoua'y amang datihang sigalot. Sagot ni Romeo, "¿sa palad co'y baquit, sa iyo'y tumamang linoob n~g lan~git maligayang gandang di dapat maisip n~g alin mang pantas sa lupa'y maauit? Mula n~gayo'y sa iyo sumpa co't asahan sa mahal mong yapac dapá aco't laan utos mo ay leying tupdin co't igalang at aco ang lihim n~g iyong carictan." Sa mauica ito'y camay pinaghigpit sa pagcacahauac tanda n~g pag-ibig at sa capoua nila'y puso ay cumapit cun di ang libin~gan uala nang pag-pacnit. N~g magcahiualay't ang danza y natapos lahat humimpil na n~g lubhang maayos, pagtupad n~g tungcol sa piguing may handog ualang naibati't loob nan~gabusog. ¡O pagsinta'y baquit sa lupang ibabao! cun di ca maigcas sa labing may simpan cahit at sa mata ó quilos man lamang: pinabasa-basa mo ang touá ó lumbay; Itong inasal mo't dila pinag-umid Romeo'y n~g lisan cay Julietang titig, sa capoua muc-ha naminsang natitic n~g pag-hihiualay ang bun~gang mapait. Tan~ging paalaman ay hindi natapos ang sigao n~g tin~gin hangang nagcaabot at n~g maglayu na umali himutoc sa capoua n~ga dib-dib na halos sumabog; Hangang si Romeo'y sa bahay dumating at hangang humiga tila'y na sa tin~gin ang sa cay Julietang larauang butihin at boong binigcas uari dinig man din. Sa tinalotalo loob caisipan aniya sa sarili "sa sinta ma'y hadlang dating cagalitan n~g aming magulang, aco'y cay Julieta't siya'y aquin naman. Sa pintó n~g puso boong nari-rin~gig ang tugtog n~g sa cay Julietang pag-ibig, ang uicang "dalisay" natanao n~g isip busal niyaong m~ga batang panaguinip. Ang muc-ha n~g tauong salaming malinao sa tago n~g puso, limbag na namasdan, nasa cay Julieta ang pamuting mahal n~g pusong babayi't mutiya niyang pan~galan Ito ang ligayang sa pilac malabis, na dapat han~garin n~g may puring dibdib, pagcat iba-iba laman n~g pag-ibig na punong saguisag sa bayang hinagpis. Sumintang siphayo pagli-lilo'y bayad ito ang sa tauong ualang casing saclap, ito ang mahapdi sa di bucang sugat at ito ang dusang sa puso'y pang-ag-nas. Suminta't sintahin, ibigui't umibig, ito nama'y siyang tunay na matamis, ito ang pandugtong n~g buhay sa sáquit, ito ang lualhati sa bayan n~g hapis; Ito ang mariquit na dahit n~g buhay sa gayo'y ang puso pan~ganib di damdan sa balang touina auitin cahit man at hangang dumating caniyang huling arao. Julieta'i icao n~ga tungcol niyaring palad n~g lan~git sa aquing sigasiguing landas, sa sinunod-sunod sa unang sumicat na bitoin sa puso't sa aquin painlag. Icao n~ga sa aquin, ang calualhatian n~g dusa'y casunod, auang casabihan, icao rin ang batis sagana't malinao di-dilig sa buhay at caluluang mahal. Sa niuari-uari Romeo'y lisanin, silid ni Julieta ang isip ibaling, higáng aabutan at su-suling-suling sa mundo ring balac budhing di pa guising. Dalaua n~gang dusang yumacap sa dib-dib una cay Romeong matinding pag-ibig, at ang icalaua ang pagca-caalit m~ga ama nilang sa sinta'y pan~ganib. Baquit nan~ga caniya ina'y pinaramdan sa m~ga Montesco ang mahapding subiang, n~g siya'y tanun~ging sagot nacasayao n~g Conde de Paris at Romeong mahal. N~g ibig sumuco ang loob sa higpit n~g dalauang simang sa puso ay alit, guitna n~g pag-asa at pan~gambang labis nagbuntong hinin~ga't gayari ang sulit: Aniya "¡ó sintang may touá ó lungcot! ang bigay sa daquip n~g lihim mong gapos baquit mo hinirang yaring batang loob lining-lang sa daang masan~ga't masuloc? Sinong magca-calag man~guna sa lumbay cun di si Romeong iyong quinatauan? dapouat cung ang silo camandag ang tag-lay marahil mamatay sa quinaligauan; Pagcat sino cayang sa aqui'i managot sa pagcadalisay pa-ibig na handog Romeo'y sa altar niyaring pusong bubót ay nama-mantun~ga't hari niaring loob ¿Di n~ga panunumpa cung baga itulad sa n~galang salapi tingang di matangap, na naguiguing bayad sa tungcol n~g hirap n~g alin mang pusong may simpang pag-liyag? At di si Romeo anac n~g calaban n~g mahal cong ama mahaba nang arao? cung cania mang tupdin ang sa sumpang laman ama co'y marahil hindi tutulutan. Dito n~ga sandaling napa-puntang isip bago naidaing ang n~gayon co batid: lasong labis sidhi sa magcasing ibig ang biguian n~g had-lang ang ticang malinis. Uica co ay lason at sa sid-hi sacdal pagcat di pa lagoc at gunita lamang, pinanglo-lomo na niyaring catauhan marahil ay bangcay patac na maticman." Dito napatiguil at di maisabog n~g loob na hapó sa lumbay n~g moog; n~gunit ang pagsitang daquip n~g may cupcop pag-guiit sa isip tagumpay ang handog. Isa pa'y sa piling n~g dusa't hinagpis pasun~gao-sun~gao rin pag-asa sa nais, cayá cay Julieta biglang sumaisip ang gayaring uicang pumaui n~g sáquit: "Alipala'y, aniya, ang poot na tabing sa mata'y laon na n~g magulang namin, n~g upang malag-lag aquin susung-quitin hangahang malinao n~g tapat cong daing. Sinta co n~ga'y siyang papatay n~g alab sa apoy n~g digmang dipa na-aampat capoua namin ama, sacá igagauad ang pagca-casundong payapa n~g lahat. Sa pagayong balac lubos na nanalig ang bunying Julieta't naualang pan~ganib, gaya n~g nabag-bag pagcapit mahigpit sa mati-timbulang mapalad sa tubig; Pagcat ang pag-asa n~g daquip hilahil siyang tan~ging ilao sa gabing madilim n~g tag-lay na dusa't mapanglao na daing, at cahit cung minsan sa buhay pan~gitil. Ano pa't sa tabing n~g gabi pagsicát n~g masayang arao ang unang banaag sing-ibig tindig na't nagsun~gao sa malas cahit sumandaling humimlay magdamag; Pagcat magcalapit bahay na tahanan sinta'y alaga na sa mata man lamang, ito n~ga ang alio di dapat pagtac-han sa nagca-caisa n~g sa puso'y simpan. Sa pagayong anyo oras lumilipas at ualang bahala sa iba pang sucat, siya rin at siyang arao arao agap palibhasa'y pita n~g pagsintang lapat. N~gayong si Julieta'y tumpa sa simbahan tan~ging sinasad-ya sa labis n~g bahay Romeo'y tuluy na't hindi nababanday sa pagcalilim niyang pan~gaco sa hirang. Loob n~g simbahan cung sila'y dumating Romeo'y la-lagay sa daco n~g tin~gin n~g caniyang mut-ya't nito'y sa dalan~gin naqui-quiugali suliapang mahin-hin; Cung ang dilim naman n~g gabi tumaquip sa sang maliuanag, sa pag sintay capit, Romeo'y naron na at paliguid-liguid tapat n~g tahanan ni Julietang ibig; At cung mapauá na sa binaling-baling marahang li-lipat sa bacod n~g jardin, bintana n~g guilio siyang ta-tapatin uupo't tin~galang parang may hihintin; Cahit di dun~gaui't ualang nasi-silip malaong lalagac doo'y nagtitiis, ualang ibang gaua cun di ang sa isip ligaya'y auitin n~g magandang nais. Sa tanáng ni-nibig ito'y caraniuan parang tan~ga't gahis, ang ano mang hadlang, harap n~g pan~ganib loob tumatapang hibang na pagsinta masunod n~ga lamang. Sa linaon nito sa gabing maning-ning liuanag n~g buan pinilacan man din, Romeo'y nan~gahas pumasoc sa jardin paris din n~g dating pan~ganib di pansing, Bintana'y nabucsan na hindi naglaon silid ni Julieta'y Romeo'y umurong, sa puno n~g isang cahoy ay cumanlong cung sinong du-dun~gao pagmamasdan doon. Julieta't di iba sa bintana'y nucas ticang causapin ang asang mamalas pagcat caniyang batid caga-gauang lahat n~g tungcol sa caniyang puso ang bumihag. At cung cayá ito'y tinipid sa dib-dib gabing nan~gagdaan pagcat caniyang nais taruquin ang lalim sa caniya'y pag-ibig n~g quinahiligan n~g loob at isip. At cung si Romeo'y han~gal ang catulad sa tulugan sinta n~g tinapat-tapat, Julieta'y gayon di't pasilip ang agap sa caniyang bintanang munting binobucas. Tunay carampatan hindi nalilin~gid babayi pag tacot, sa lama't at dun~gis, n~g bubog na puri pagsuboc malabis sa minamarapat sa caniya may nais: Caya si Julieta n~g huli na't tatap sinta ni Romeo'y di licó at tapat, sa puso umali ang mapuring habag lalo n~g másilip sa ganitong hirap Sa bacod ay patong ang sico n~g canan, ulong nacaquiling sa palad alalay, ualang piquit matang hindi mahiualay sa silid n~g sinta't nag-gugunam-gunam; Ang tin~ging malumbay sa ganda buhat sa ilao n~g gabi ay acmang saguisag:, catauang matamlay ang naca-catulad ang sinisiphayó n~g malaquing han~gad. Julieta'y dinamdam sa gayong namasid sa puso ang isan~g bagay di malirip, ang binin~gi-bin~gi di o na ininis n~g tunay na tiboc sa caniya'y humibic. Ang caniyang bintana doon nga nabucsan na sinabi co na dacong unahan, at n~g si Romeo'y cacanlong na naman hindi nacatiis tinauag ang n~galan. Sa gayo ay sinong aauit na pantas ang macati-titic sa tinamong galác n~g bunying Romeo sa marin~gig buhat ang caniyang pan~galan sa bibig n~g liyag. Romeo'y nag uaring sa lúpa'y di tungtong. sa tuang sandaling naualang hinahon, patacbong tumapat poon ang binulong saca tumin~galang parang antay hatol. Julieta'y tumanong: "Romeo ay baquit dito iisa ca sa gabing tahimic"? tugon ni Romeo'y, "pagcat inihatid, na di macatanguing sinta't pag-ibig." Pac-li ni Julieta, "sa iyo'i inaral pan~ganib cang lubos sa aquing magulang," sagot ni Romeo'y "hindi gunam-gunam muláng dito'y nasoc ang iyong tinuran; Pagcat ang gaya cong may laquing pag-ibig landas n~g hilahil ligao na sa isip cayá ang aua mo cung hindi ilauit tapat n~g silid mo bangcay cung madaquip." "¡Romeo! ¡Romeo!, Julieta ang sagot, uicang mapan~ganib at sa puso'y hugot, ¿baquit di in~gatan buhay sa sigalot cung ticang tamuhin ang aquing pag-irog? Romeo ang tugon, "Julieta'y masaclap sa aba'y pumanao ang hinin~gang in~gat; n~gunit cung bayaan sa laot n~g hirap malibing sa lalim siya cong tuang agap, Paca-asahan mo, sa iyo yaring sulit ay bulong n~g pusong pabigcas sa bibig, ualang ibang han~gad sa dilim n~g saquit cun di maguing ilao dilag mo't pag-ibig." Cay Julietang pacli, "di aco ang dahil sa di caguinhaua n~g uagas mong daing, cun di ang subian~gang hindi na nalibing sa limot n~g capoua magulang tang guilio," Romeo ang sagot, "huag ipan~ganib canitang magulang n~g pag-ca-caalit, cung ito'y liab man ang sinta ta'y tubig, maguiguing pamatay n~g silacbong ban~gis." Sa balac na ito tanda n~g pag-ayon Julieta'y pinutlan ang tinugon tugon, pagcat sa caniya'y gayon ang nagtangol n~g alit na sima n~g siya'i igumon. Ito ang liuay-uay cung baga sa arao n~g pagca-casundong sa puso'y sumilang, n~g dalauang capoua dapat na uliran sa pagsisintahang matibay't dalisay; Sa pagcat ang lupang cupcop n~g pagibig sa daya at pain sino mang malapit, bighani in~gatan dagdagan ang masid n~g huag macut-ya cung tica'y malinis. Puso n~g babaying dupos na himuquin sasaquian sa dagat ang naca-cahambing, cung culang bumalac may in~gat ó anquin sa dumpol n~g sinta basag ang marahil, Puso n~g lalaquing sa sintay bugasoc lalo cung ang gulang bulac lac sa tampoc, cung gano ang tulin sa nasang maabot siya naman saquit puri cung maumpog, Ano pa't sa m~ga gabing nagsunuran Romeo'y sa jardin masoc cailan man, Julieta'y lauit na nacung maramdaman bintana n~g silid isang sutlang hagdan; N~gunit cung tulot man sa caniya ang maquiat sa bintana lamang u upo't di lampas, ang isa sa paa sa hagdan din tapac si Julieta'y naman patayo't caharap. Doon hinahanay pag-liham n~g nais n~g capoua pusong nagcaisang hilig, ang cauili-uiling anas n~g pag-ibig casintuno halos ang tunog n~g batis: Sa sin~gao n~g pusong matamis at uagas isa't isa'y ualang itampong pahayag, pagcat cung sa jardin ay yaon ang lunas n~g tanang sampagang humahalimuyac. Cahit di pa pitas sa pagayong asal ang bun~ga n~g nais sa gunita'y nam-nam,, sa lasang pang-uili ualang agam-agam ligaya sa lan~git mandin ang namasdan. Cung oras ay buan sa busal n~g hirap. naca-casing laon sa ating pagmalas, taon quisap mata mata't masayang lumipas sa magcasing sintang sa tica'y magharap. Sa gayong ligaya nino mang sing ibig yaring boong cayang lapat na iauit, sa totong nangyari capag idinatig cung baga sa culay ang putla'y malabis. Panahong taglamig ano't n~g tumahac Romeo'y nan~gubling sa sinta ay naquiat, aniya, "¡ó Julieta! ¿nasaan ang habag sa guilio mong abáng dito'y nan~ga n~gatag?" Tugon ni Julieta, "dusa man sa dib dib guinao sa bintanang sagap mo at tiis n~gunit lason naman sa aquing pag-ibig ang icao itabuy sa harap co'y malis." Pac-li ni Romeo—"di man cata lisan may iba pang lunas na dapat pacamtan," tugon ni Julieta, "sa sabi co y liban ualang maapuhap sa isip anhin man." Romeo ang caniyang malambing na sagot aniya, "sa silid mo magtuloy cung tulot aco'y macacanlong sa guinao at hamog tahimic pa quitang ualang caba't tacot." Sa pagayong hiling Julieta'y dinamdam naapi ang budhi't ang dib dib sinicpan, naurong sa layo't ang mata sa hirang tila baga ibig lihim pa'y hanapan. Aniya, "¡ó Romeo! saad uliniguin cung pita ma'y lihis upang isalibing, pag-ibig sa iyo'y pag ibig n~g angel sa caniya'y Lumic-hang, ualang macahambing. Sa iyo ang tulot cong sa bintana'y manhic, lagui n~g pag guilio sa aquin may usip; n~gunit niyaring puri ay minamatamis bangcay cung lumampas sa hinahong guhit. Anio n~g babaying ilauig ang buhay calulua'y cung yurac n~g pula't casaman, pagcat ang halaga na guintong in~gatan ang maguing busilac ang puri at asal; Caya sa isip mo sacaling namugan hina co'y hanapang labis pa sa gauad, inihahanga ca n~g sinta cong tapat pag-asa itacuil at di icagalác. At yamang sa gayo'y munting cumulimlim sicat n~g sintahang laong maluning-ning, mula n~gayon, ang iyong buhay sa hilahil ilayo't ang dating parito'y limutin. Romeo ay big-lang nalumbay nan~ganib sa pagayong say-say n~g sula n~g isip, sa harapan nito'y halos na tuman~gis at sa anyong luhog gayari ang sulit: Aniya, "ó Julietang sinta n~g pagliyag layo sa gunita puso mo'y sumugat; n~gunit sa puri mo cung yao'y camandag antay co ang iyong parusa ó tauad. Panong ha han~garin sa iyo'y naguing tinic pagcat saguisag cang ualang lamat dun~gis, at malinis ca ring itampoc sa nais caya ang pitagan sa budhi mo'y labis; Dusa mo'y dusa cong sa dusa co'y sacdal palibhasa icao ang tali n~g buhay, toua mo ay toua co ¿panong di inlagan ang icalumbay mo cahit sagui lamang? Dilag mo'y pan~gauit sa bun~ga cong tulog, sinta mo'y pang-daya cung suco ang loob, puri mo'y ligaya n~g pag-asang lubos, ¿panong acalain ang han~gad na buctot? ¡Ay hirap aba co! cung iyong patulan ang sapantaha mong di co gunam-gunam, anhin pa ang buhay sa lupang ibabao cung icao di aquin, aco'y calabisan." Sa pagayong luhog n~g pusong maalab hindi nacatagal poot naguing habag ni Julietang supil tunay na pagliyag, caya n~g matapos gayari ang bigcas. Aniya, "¡ó Romeo cung n~gayo'y tinuran! salaming malinao sa puso mo'y simpan, parusa ò tauad hindi cailan~gan pagcat gayo'y lapat sa may casalanan; Catiuala sa iyo ang isip at loob pagcat namasdan cang tapat na umirog; n~gunit yaring puri handa rin ang utos sa inaacalang bahid na lu-lusob. Dapouat ang naguing subiang niyaring dib-dib di lisiya sa landas n~g uagas mong hibic, paca-asahan mo, at huag man~ganib aco ay iyo rin magpahangang lan~git. Puso co ay iyo, iyo't di ma-aagao n~g iba pa't sinong sa caniya hi hirang pagcat ang pagsintang tunay isa lamang caya cun di iyo tungcol n~g libin~gan. Ganap ang touá co na hangang di sicat mapalad na arao sa bun~ga'y pagpitas n~g magandang nais agap mo'y pag-in~gat sa icalulooy sa hinog sasac-lap. Romeo'y sa bugso n~g touáng dinamdam inagao ang sulit n~g mut-ya at búhay, "sa toui-toui, na ualang gunam gunam cun di ang sumapit arao mong tinuran; Pagcat ang dalan~gin n~g isang ninibig hangaha'y abutan n~g ticang malinis, pagcat caniya ito't lualhati n~g lan~git samantalang buháy sa bayan n~g hapis." Cay Julietang sagot—"cung inip ca'i sundin at n~gayo'y tulot co ang sa pusong hiling Romeo'y sa touá na hindi mapiguil, "cung gayon—aniya'i—ganapin bucas din" Ito nga'i ano pa't ualang higuit culang natupad sa harap paring cumpisalan, ni Julieta't sa cay Romeong caibigan pan~gala'y Lorenzo't[7] tapat na dumamay; Nag-utos ang gayong sa magula'i lin~gid n~g capoua n~ga pusong sa tica'y nagpilit, cailan~gang ucol lihim na guinamit sa simbahang cupcop n~g Paring binanguit. At caaya-aya nan~ga n~g maganap, ang ilao n~g arao maganda ang sicat, ang azul n~g lan~git buháy at laganap, simoy pa n~g han~gin pang-uili't banayad. Ang tanáng linic-ha punó n~g alindog sa pagui-guing sacsing umid n~g masunod ticang pinilacan n~g calugod-lugod ang naguing larauan n~g sinta't pag-irog. At marahil cayá ang boong quinapal, sa arao na iyaon saya ang tinag lay pagcat para niyang himacas at hambal sa nagcasing pusong capos capalaran. Sa buhol na tali n~g ticang malinis ano t n~g sacop nang sila'y di maalis, sa cani caniya nuing matahimic para bagang ualang ano tuang nasapit. Ang gayong nangyari lubos na nabaon sa suloc n~g lihim sa habang panahon mag-asaua'y buhay hangang panahon ang capoua hinin~ga sa palad na ucol. Di co man auitin, bumabasang ibig, sa caya cong capos, balac na nang isip humiguit cumulang ang touáng sinapit Julieta't Romeong sa tulá'y pantamis. Ang di pag-sambahay, pagcat sauing maquiat Romeo'y mapanhic tahanan n~g liyag, binubun~ga y sabic na pandag-dag sicat sa quinamtang ticang ang linis laganap. Sa balabalaquing usapang mairog hindi naua uala't laguing nacaun~gos ang paraang sucat na macalalambot sa canilang capoua magulang na loob. Cacapanan nito'y pag asa'y malabis pagcat macacamtan mabigat man cahit, baquit mababa nang arao y pagtahimic n~g dalauang lahi sa di pagcacaliz; N~gunit aling touá sa lupang ibabao lumagui sa tauong di dag ling pumaram at cung sa bulac-lac sa samio ay culang casunod pa'y lumbay na higuit sa bilang; Gaya n~g sinapit dalauang singpalad n~g anyong ang touá sa puso y mag ugat, ang lason sa buhay sunod na lumagac sa busal at hangang sa sidhi nautas; Ito ang calvariong tinungcol n~g lan~git, sa sintang cunanan halimbauang linis at marahil cayá gayo'y pinatiis n~g upang mataniag sa tanáng ni-nibig. Isang arao n~ganing cusang nag-lalacad Romeo'y sa loob n~g Veronang Ciudad, natagpouan ¡dusa n~g amis na palad! ang isang auayan n~g palalong tabac. Ang isa sa pooc n~g naglalabanan pulos cay Romeong man~ga caibigan; n~gunit sa cabila ang pan~gulu bilang si Tibaldong lilo't cay Julietang pinsan. Cay Tibaldong asal bumabasang irog, sa dacong unahan sucat mong matalos, sa pagcatahimic amai't cahamoc na laon nang arao na di cumiquilos. Romeo'y cahima't binucong matibay dugong Capuleto'y caliz di bahiran; n~gunit cay Tibaldo, ang isip nadimlan n~g mapatay nito isa sa calaban; Pagcat ang namatay catatong mahigpit, n~g Principeng Ciudad capinsang malapit, at ang quinarool sanhi n~g paglait ni Tibaldong tacsil cay Romeong bait. N~g si Romeo n~gay natagpong hinamon Tibaldo'y nalagot buhay di naglaon ang sa caniya'y damay sa tacot malipol ang unang balasic sa paa'y guinugol. ¡Oh ualang paglin~gap at palalong poot! sa can~gino pa mang iyong maabot at bihira sa iyong masig lang di lingcod na macata-taguing di bulag sumunod; Gaya n~g pagtupad n~g matang papiquit sa iyo ni Romeo at di na naisip, sa ama at bianan siya ang matouid magbigay payapa cung muling mag caliz. Cung magaua sana maca sampuong bilang n~g tauo'y sa galit bago magpamalay, n~gunit cung malaqui ihangang sang daan pan~ganya-yang bun~ga di man matiticman; Dapouat si Romeo'y sa gayo'y nalihis, sa ugaling lacad n~g lupa'y naparis, sa init apuy rin nabuyong sumanib hindi na nabalac dusang masasapit. Cahit sa pagayon Romeo'y nagculang, n~gunit nacatupad sa tungcol na mahal n~g pagca-caibigang tapat at matibay bihirá sa mundo bagang matagpuan. Ano't sa Principe n~g ito'y lumatac sumbong cay Romeo n~g tanán lumacad na caniyang catoto ualang naguing bayad pagod na guinugol sa mabuting han~gad. Romeo'y dapat n~ga at pilit ma-matay sa naunang lagdang utos alang-alang n~g Principe'y aniya, "umulit sino man sa pagcacaalit capalit ay buhay"; Sa munting hinahon "lumitao ang ugat sa boong nangyari" ito ay nalipat "pagbubulay lining" munting bumanaag dapat pang-hauacan sa dusa ibauas. Ito'y dili iba't cay Romeong tutol sa "pag-uusisa" n~g macunang tanong. na cayá pinatay ay higanting ucol sa piling caibigang buhay rin nahampol. Sacsing nagsiharap ito'y pinagtibay at nan~gagcaisa boong casagutang, baquit sa higanti ang punong dahilan n~g Principe Scala sa mahal na pinsan. Ang lagda n~g hatol ano't n~g dumating Romeo'y sa buhay dapat na maquitil, parusang capalit ay ang ualang taning na, sa ibang bayan siya ay dadalhin; Alalaong baga'y di dapat lumabas sa catatapunang bayan caniya'y lapat; n~gunit loob nito'y may tulot maglacad pagcat hindi piit sa culun~gang sucat. Salamat sa pinsan n~g Principeng bantog, nito cay Romeo ang di nag papugot siyang tan~ging dahil bumali sa utos na unang linagdang uica'y pasusunod. Sa boong daigdig ito'y calacaran hatol na papiquit naguing caraniuan sari-saring bagay ang quiniquilin~gan na icalugami n~g hustong catouiran. N~gunit cay Romeo ang iquinabauas n~g acmang parusang ito n~gay di dapat, cung di dahil lamang cay Julietang liyag, pagcat yao'y lalong pampahabang hirap. Ano't n~g nagtibay ang sadlac na hatol sa madaling taning siya,i isusulong sa Mantuang[8] ciudad sa parusang ucol Romeo'y sa lumbay halos na magumon. Anong itatagal n~g puso sa sáquit ang asauang mut'ya maiiuang pilit, at ang paalaman cung hindi magahis Romeo'y ibig pang hinin~ga'y mapatid. Umaquiat sa bahay n~g mahal na bianan dahil cay Tibaldo, hindi carampatan, pagca n~ga calahi mauari ay subiang, sa sintang asaua lihim cung lilitao; Hibang iyaong isip sa sinuling suling sa mundo n~g dusang punong tinic ban~gin gumiit ¡n~g alio! ang Frayleng umamin nagtibay't nagtago sa pagsintang lihim. Pagcat ito lamang tan~ging maasahan sa ipagqui-quita mag asauang mahal, bago tutuparin parusang cacambal at nagpaquilala n~g sintang dalisay. N~g ito'y humagap sa yari n~g isip ayon sa paraang sa balac umaquit, causap pa lamang n~g Pari sa nais, utos ni Julieta siya nang pagpanhic; Ito'y dili iba't sisiuang hin~gahan puso ni Julieta sa canilang simpan, sa pagcat bihirang sintahan maualan cahit ganong lihim n~g isang caalam. Ito cay Romeo ang dalang pahayag muli't muling bilin siya'y pumanatag, ni Julietang casing niyapos n~g hirap, mulang mabalita hatol na nasadlac. Dan~gan ni Romeo'y ualang taglay baguis lumipad na sana n~g ito'y marin~gig harap n~g asauang lugmoc sa hinágpis, ang luhang nanalong n~g agad napahid. N~g anyong tuparin n~g puso ang yacag at Pari lilisang casabay n~g yacap, ito ang sinabing pan~garal banayad, aniya, "¡ó Romeo dinguin ang pahayag!" N~g iyong singpalad ang puso'y tibayan n~g lan~git sa lic-ha pagsuboc na mahal, ito'y pag nangyari ay may catuturan maguing toua ó ibang mahalagang bagay. Aco'y hindi bandai sa pag usig gayac n~g naguing sala mo ang boong patauad, ang pagcacasundo gayon din ay agap n~g ama mo't bienang di na nagcalutas. N~g upang matan-yag pinagtibay hiling n~g casing sinta mong masinag na bitoin, ang bun~ga n~g tica n~g lubos namnamin laman ninyo'y hangang n~g lupa'y anquinin. Sa pagayong han~gad n~g magcaibigan lalo cung tiuala sa boong pagdamay, sinong macarin~gig di munting maparam cahit ganong laqui n~g tag-lay na lumbay. Caya si Romeo'y m~ga uicang sagot malubay at acma't sa puso ay hugot; n~gunit sa paalam sumagui ring lungcot ang jardin n~g sinta tinumpa't pinasoc. Bintana'y pagpanhic sing-sinta'y nag-yacap casabay n~g luhang sa mata'y lagaslas, napupot ang sulit, halos man~gauasac ang capoua dib-bib sa lumbay naglapat. |
