Wikipedia 2006 (Static HTML - No images) is on line here! [.7z dumps also available]
Sorry, English version is not working. Please, connect the Antropolohiya - Wikipedia

Antropolohiya

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang antropolohiya (Ingles:anthropology) (mula sa salitang Griyego na anthrop o anthropo "pagiging tao" + logia "salita" ) ay ang pag-aaral sa lahi ng tao (tingnan ang genus Homo). Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon, at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri (species) sa isang unibersal na kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo (at ating sarili) na nakabatay sa gayong simbolo.